Home » » Narito ang 10 na Masamang Epekto sa Ating Kalusugan ng Hindi Pagkain ng Almusal Araw- Araw. Basahin Dito.

Narito ang 10 na Masamang Epekto sa Ating Kalusugan ng Hindi Pagkain ng Almusal Araw- Araw. Basahin Dito.

Posted by CB Blogger

Naniniwala ba kayo na ang umagahan ang pinaka mahalagang pagkain sa buong araw?. Lahat ba sa inyo ay sinusunod ito? O hindi dahil sa tingin nyo nakakatulong ito para mabawasan ang inyong timbang?. Alamin natin kung ang pagiwas sa pagkain ng agahan ay nakakasama ba o hindi.



Narito ang masamang epekto ng hindi pagkain ng agahan sa ating katawan:

1. Pwede magdulot ng pangalawang uri ng diabetes o Type II Diabetes.

Ang mga babae lalo na ang mga nagtratrabaho na umiiwas kumain ng agahan ay pwedeng magkaroon ng pangalawang uri ng diabetes kumpara sa mga babaeng kumakain ng agahan.

2. Pwede magdulot ng migraines o uri ng sakit sa ulo.

Ang Hypoglycemia ang kabaligtaran ng diabetes dahil ito ay may mababang sugar sa ating dugo. Ang hindi pagkain ng agahan ay dahilan para ang ating sugar sa dugo ay bumaba na pwedeng magdulot din ng pagtaas ng dugo na dahilan para tayo ay magkaroon ng migrains at pagsasakit ng ulo.

3. Nakakapagpalala ng Hangover.

Sa mga mahilig uminom at nagpapakalasing, hindi maganda ang hindi pagkain ng agahan sa mga taong may hangover. Kailangan mo kumain ng agahan na mayaman sa iron, folate, minerals at bitamina para maalis ang hangover na iyong nararanasan at para maibalik ang nawala mong nutryents at enerhiya dahil sa sobrang kalasingan.

Ang hindi din pagkain ng agahan ay pwedeng palalain ang hangover, pasakitin ng sobra ang ulo at pagsusuka.


4. Pagkakaroon ng Kanser.

Ang pagtaas ng timbang o obesity na pwedeng mangyari kapag hindi ka kumain ng agahan ay pwede ding magdulot ng kanser sa iyong katawan, ayon ito sa pagaaral na ginawa ng Cancer Research UK.

5. Pwedeng magdulot ng masamang epekto sa trabaho ng ating cognitive o nagbibigay malay sa atin.

Ayon sa pag-aaral ang pagkain ng agahan ay may magandang epekto sa pagtrabaho ng ating Cognitive at pati narin sa ating paningin.

6. Pwede magdulot ng paglalagas ng buhok.

Isa sa mga resulta ng hindi pagkain ng agahan ay ang paglalagas ng buhok dahil nababawasan ang protina ng ating katawan dahilan para bumaba din ang lebel ng keratin na nagpapaganda at nagpapalago ng ating buhok. Kung gusto mo ng maganda, malago at makapal na buhok kumain lang ng mga pagkain na mayaman sa protina tuwing agahan.

7. Pwede makasama sa ating Puso.

Ayon sa pag-aaral, ang mga lalake na hindi kumakain ng agahan ay tyansa na atakihin sa puso kumpara sa mga kumakain ng masustansyang agahan.


Pwede rin magkaroon ng hypertensyon ang isang taong kapag hindi sya kumakain ng agahan na pwede magdulot ng pagbabara sa mga ugat na pinagdadaluyan ng dugo papunta sa puso. Ang pagbabara ng dugo ay pwede magdulot ng atake sa puso o di kaya ay stroke.

8. May masamang epekto sa ating pag-ugali at sa enerhiya.

Ayon sa pag-aaral ang hindi pagkain ng agahan ay pwede magdulot ng negatibong epekto sa enerhiya at kalagayan ng pag-iisip ng isang tao. Pwede din itong magdulot ng pagbaba ng iyong memorya at pagkapagod agad.

9. Pagtaas lalo ng timbang.

Sa mga gustong magbawas ng timbang, ang hindi pagkain ng agahan ay hindi nakakatulong sa pagbaba ng timbang sa halip, ang iyong timbang ay lalong tataas. Ayon sa pag-aaral ang hindi pagkain ng agahan ay pwedeng magdulot ng pagkasabik sa pagkain ng matatamis at matatabang pagkain. Pwede din ito magdulot ng sobrang pagkagutom na kahit anu nalang makita mo ay kakainin mo na dahilan ng lalong pagtaas ng timbang mo.

10. Pwedeng makaapekto sa ating metabolismo.

Kailangan mong kumain ng agahan para meron kang lakas sa buong araw o para mapagana ang iyong metabolismo kasi para daw itong sasakyan na kapag walang gasolina o krudo ay hindi aandar. Ang agahan ang unang pagkain na iyong kakainin pagkatapos ng mahabang pahinga ng iyong katawan.

Sa mga nabasa mo ano sa tingin mo, dapat ba talaga tayong kumain ng agahan o hindi dapat?.



0 komentar:

Posting Komentar