Home » » Night Grinding o Pagkikiskisan ng mga Ngipin Tuwing Gabi Habang Natutulog. Alamin ang Dahilan Kung bakit Nararanasan ito. Basahin Dito.

Night Grinding o Pagkikiskisan ng mga Ngipin Tuwing Gabi Habang Natutulog. Alamin ang Dahilan Kung bakit Nararanasan ito. Basahin Dito.

Posted by CB Blogger

Kung iyong napapansin na ikaw ay nagigising na mayroong nangangawit na panga, maga na mukha, o di kaya’y mayroong sakit ng ulo, mayroong simpleng eksplanasyon riyan: Bruxism. Ito ay kilala rin sa tawag na teeth grinding o clenching, ang bruxism ay nangyayari kapag ginagalaw moa ng iyong ngipin ng pabalikbalik habang natutulog. 



Maaari itong magdulot ng sensitibong ngipin at pagkabasag rin ng iyong ngipin. Kung sa iyong palagay ay ginagawa mo ito habang natutulog, maaari mong alamin muna ang kadahilanan kung bakit mo ito ginagawa upang ito ay mapigilan. Mayroong mga iba’t-ibang dahilan kung bakit ito nangyayari. Ang tatlong sumusunod ang pinaka pangkaraniwan.

Bakit nga ba tayo nag-teteeth grind tuwing Gabi? 

1. Problema sa Ngipin. 

Maaaring ang iyong mga ngipin ay hindi pantay-pantay o di kaya’y may bungi o mayroong isang tabingi. Ang hindi pagkapantay-pantay, o mas kilala bilang malocclusion, ay dahilan kung bakit di nagtatagpo ang mga ngipin kapag nagsasara o nagbubukas ang panga

. Ito ay maaaring magdulot ng temporomandibular joint disorder sa inyong mga panga. Halimbawa, kung mayroong facial spasm sa pagtulog, ito na ang simula ng teeth grinding. Kailangan mo nang bumisita sa dentist upang magpaX-ray at mabigyan ka ng diagnosis. 


2. Anxiety and Stress. 

Kung masyado kang nagaalala o napapagod sa normal na gawain, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng teeth grinding. Ang problema sa trabaho, sa relasyon, o di kaya’y problema sa pera ay di basta-basta nawawala dahil lang gabi na. kapag mas marami ang stress na iniinda, mas sasama ang iyong mga gabi. At kapag naman mas dinadalasan ang pagsasawalang bahala dito, mas lalakas ang teeth grinding.

3. Iba pang Kondisyong Medikal. 

Ang ilang gamot katulad ng antideprasants, o disorders kagaya ng Huntington’s disease o Parkinson’s disease ay maaaring magdulot ng bruxism. Kahit ang matagalang acid reflux o pagiinda ng sleep apnea ay nakapagdudulot nito.


0 komentar:

Posting Komentar