Home » » Narito ang 16 na Magandang Benepisyo sa Ating Kalusugan ng ng Pagkain ng Raddis o Labanos.

Narito ang 16 na Magandang Benepisyo sa Ating Kalusugan ng ng Pagkain ng Raddis o Labanos.

Posted by CB Blogger

Ang Radish “Raphanus Raphanistrum subsp. sativus o labanos sa tagalog, ay isang uri ng gulay na nagmula sa pamilya ng Brassicaceae. Tulad ng Carrot, ito din ay tumutubo sa ilalim ng lupa. Ito ay kadalasang ginagawang salad kasama ng iba pang gulay. Ngunit alam nyo ba kung ano-ano ang mga magaganda at masamang naidudulot nito sa ating katawan? Halika at ating alamin.



Narito ang mga magandang benepisyo at masamang epekto ng labanos sa ating katawan.

Mga nutrisyong nakukuha sa Labanos:

1. Mayaman sa bitamin C.

2. Isa sa pinagkukunan ng fiber.

3. Mayaman sa potasyom.

4. Mayaman sa Folic Acid.

5. Mayaman sa iron at calcium

6. Isa sa pinagkukunan ng anthocyanins

Mga magandang benepisyo ng Labanos:

1. Mabuti para sa Kidney o Bato.

Ang kidney o bato ang nagsasala sa ibat-ibang bagay na dumadaloy sa loob n gating katawan, tulad ng pagkain at tubig. Inilalabas nito ang mga dumi o lason sa loob n gating katawan sa pamamagitan ng pagihi. Kapag hindi nagampanan ng ayos ng kidney o bato ang kanyang tungkulin sa loob ng ating katawan ay pwede ito magdulot ng sakit tulad ng kidney stone na dapat magamot habang maaga pa para hindi ito lumala.

Ang mga bitamina na nakukuha sa labanos ay nagproportekta sa anu mang sakit na pwedeng dumapo sa ating kidney o bato. Ito rin ay nakakatulong para mapanatili ang kaayusan ng iba pa nating mga lamang loob. Para makaiwas sa kidney stone o sakit sa bato, kumain lamang ng labanos sa umaga o di kaya ay uminom ng katas ng labanos kapag wala pang laman ang tyan.

2. Maganda para sa Puso.

Ang labanos ay nagtataglay ng flavonoids, ang kemikal na nakukuha sa mga prutas at gulay, na nagpapanatili ng kaayusan ng ating puso. Ang puso natin ay nakakonekta sa ugat at sa ating dugo, kaya kapag mataas ang ating dugo pwede ito magdulot ng stroke at sakit sa ating puso na pwede nating ikamatay. 

Ang labanos ay nakakatulong ikontrol ang pagtaas ng dugo na dahilan din para mapanatili nya ang kalusugan ng ating mga puso at ang mga ugat na nagdadaloy dito.


3. Para sa sakit na Leucoderma.

Ang leucoderma ay isang uri ng sakit sa balat na kung saan ang ating balat ay nagkukulay puti na parang balat. Ang madalas na pagkain ng labanos ay nakakatulong para maiwasan o gamutin ang sakit na ito.

4. Mabuti para sa gustong magbawas ng timbang.

Ang labanos ay mayaman sa fiber. Ito ang dahilan kung bakit tuwing kakain tayo nito ay pakiramdam natin ay lagi tayong busog dahil tinutulungan nya ang ating katawan na umiwas sa pagkain ng sobrang calories. 

Bukod sa fiber, ang labanos din ay naglalabas ng tubig na dahilang para bumaba ang ating timbang. Ang madalas na pagkain ng labanos o paginom ng katas nito ay makakatulong sa mabilisang pagtunaw ng ating mga kinakain na syang dahilan ng pagbaba ng ating timbang.

5. Mabuti para sa Buhok.

Ang katas ng labanos ay nakakatulong sa pagpapaganda, pagpapatibay ng hibla ng buhok, maiwasan ang paglalagas at sa paglago nito. Ipahid lang ang katas nito sa buhok at iwan ng sampu hanggang labing limang minute bago hugasan ng tubig at shampoo.

6. Mabuti para sa Balat.

Dahil sa taglay na tubig ng labanos nakakatulong ito para mapaganda at mapanatili ang kalusugan ng ating mga balat. Ang madalas na pagkain ng labanos na nagtataglay ng bitamina c at zinc ay nakakatulong para sa pagdami ng cells at para palitan ang mga nasirang cells sa ating balat. 

Pwede ding gamitin ang buto ng labanos para gumanda ang kutis, durugin lang ito at ihalo sa yogurt at ipahid sa balat ng sampu hanggang labing limang minute araw araw at hugasan ito ng tubig.

7. Para sa Atay.

Ang Atay ang pangalawa sa pinakamahalagang lamang loob, ito rin ay may pinakamalaki at pinakamaraming ginagampanang tungkulin sa loob ng ating katawan. Kunting pagkakamali lang ay pwedeng magdulot ng malalang problema sa ating atay. 

Ang labanos ay nakakatulong para maprotektuhan ang ating atay at ang ating apdo sa mga sakit na posibleng dumapo dito. Ang dahon ng labanos ay nakakatulong para maiwasan ang paninilaw ng balat.


8. Para sa may diabetes.

Ang diabetes ay ang sobrang pagtaas ng sugar sa ating mga dugo. Ang labanos ay nakakatulong sa pagpapanatili ng lebel ng sugar sa ating katawan na sanhi ng sakit na diabetes.

9. Benepisyo para sa Dehydration.

Ang dehydration ay ang kakulangan ng tubig sa ating katawan na pwedeng magdulot ng pagkahilo, pagsusuka at iba pang sakit. Ang labanos ay isang uri ng gulay na magaan sa loob ng ating tyan at ito din ay naglalabas ng tubig na dahilan para maiwasan ang dehydration. Kumain o uminom lang ng katas ng labanos sa gabi bago matulog para maiwasan ang dehydration.

10. Benepisyo ng Katas ng Labanos sa mga may lagnat.

Ang Lagnat ay ang pagtaas ng temperatura ng iyong katawan. Ang labanos ay malamig na gulay na dahilan para pababain ang init ng katawan kapag ito ay iyong kinain. Nakakatulong din ito para maalis ang sakit ng ulo. Kumain lang ng labanos kapag ikaw ay nilalagnat dahil ito ay nalalabas ng tubig na syang magiging dahilan ng iyong pag-ihi na kung saan sa pag-ihi mo ay mailalabas mo ang mga mikrobyo sa iyong katawan na nagdudulot ng iyong lagnat.

11. Para sa almoranas.

Ang almoranas o pile o hemorrhoids sa ingles ay isang uri ng karamdaman na puwet na kung saan ang mga ugat dito ay namamaga at masakit kapag nagdudumi. Kadalasang sanhi nito ay ang sobrang pag-iri kapag tumatae at ito din ay dumudugo. Ang pagkain ng labanos ay nakakatulong para maiwasan o magamot ang almoranas at nakakatulong din ang katas nito sa paglilinis sa loob ng ating katawan.

12. Para sa may Kanser.

 Ang kanser ang isa sa kilalang sakit na nakamamatay. Ito ay nagsisimula sa pagkakaroon ng tumor hanggang sa lumala ito kapag hindi agad naagapan. Ang labanos ay mayaman sa bitamina C, Folic acid at anthocyanins na syang lumalaban at nagproportekta sa ating katawan sa sakit na kanser.


13. Para sa mataas ang dugo.

Ang mataas na dugo ay kadalasang namamana ngunit pwede din ito makuha sa sobrang stress at tensyon na pwedeng magdulot ng atake at sakit sa puso. Ang labanos ay mayaman sa potasyom na tumutulong para mapigilan ang pagtaas ng dugo.

14. Para sa nahihirapan magdumi.

Importante ang madalas na pagdudumi sa kalusugan ng isang , dahil pwede magdulot ng sakit kapag hindi regular ang pagdudumi. Ang labanos ay mayaman sa fiber na nakakatulong sa madalas na pagdudumi para mailabas ang mga lason o dumi sa loob ng ating tyan. Ang madalas na pagkain ng labanos ay makakatulong sa ating pagdudumi.

15. Para sa Immune system o ang pangdepensa natin sa mga sakit.

Ang Immune system ang nagsisilbing tagaprotekta ng ating katawan laban sa mga mikrobyo at bakterya na nagdudulot ng mga dakit sa ating katawan. Kaya nitong pagalingin ang ating katawan sa anu mang sakit na pwedeng dumapo dito kahit na mayroon na tayong sakit basta ito lang ay laging malakas. Ang pagkain na labanos ay nakakatulong mapalakas at mapatibay ang ating immune system.

16. Para sa Chest Congestion.

Ang mga sintomas ng chest congestion ay baradong ilong dahil sa sipon, pagkahilo, paguubo, pagubo na may sumisipol ng tunog at nahihirapan huminga, kapag ang mga sintomas na ito ay tumagal ito ay delikado na.

Ang labanos ay mayaman sa mga nutrients at mga mineral na mainam na gamot para sa chest congestion at nagpapatibay sa respiratory system ng tao.

Mga masasamang epekto ng Labanos.

1. Nakakasama ang sobrang pagkain ng labanos sa mga buntis at nagpapasusong ina.

2. Ang taong may gallbladder stone o bato sa apdo ay hindi dapat kumain ng labanos.

3.. Hypoglycemia ang kabaliktaran ng sakit na diabetes dahil ito ay tumutukoy sa sobrang baba ng sugar sa ating dugo. Nakakasama ang sobrang pagkain ng labanos dahil ito ay nakakapababa ng sugar sa dugo.



1 komentar:

  1. Sabi maganda at nakakatulong din daw ang labanos sa development ng baby? Sa radio ko lng narinig dati...

    BalasHapus