Mahirap baguhin ang mga bagay na nakasanayan na. Ngunit kung ang mga bagay na ito, na ating kinasanayan ay nakakasama sa ating kalusugan, mas mayroon tayong dahilan upang ito ay baguhin. Ngunit ano nga ba ang pwede nating gawin?
Mabuti na lamang may mga tips na makatutulong sa pagupo ng sobrang tagal o hindi paginom ng tamang dami ng tubig. Kinunsulta naming ang ilang mga expert upang malaman kung mayroong mga pamamaraan upang mabago ang mga nakagawian.
Ang mga sumusunod ay iba’t-ibang paraan upag baguhin ang mga bagay na nakasanayan na natin:
PAG-UPO NG MATAGAL
Ang Problema:
Ang pagupo ng matagal na aabot ng ilang oras ay masama sa ating kalusugan. Mahirap baliin ang nakasanayang ito dahil marami sa atin ang nakaupo sa trabaho sa loob ng mahabang oras.
Ang Solusyon:
Maaaring magset na reminder alarm sa cellphone natin tuwing 30 o 60 minuto upang paalalahaning tayo ay tumayo. Maaari ring magkaroon ng officemate na ka-buddy upang paalalahanan ka na tumayo. Maaari rin itong gawin sa bahay ng hindi palagian nakaupo sa sofa.
HINDI PAGINOM NG TUBIG
Ang Problema:
Madalas natin nakakaligtaan na sadyang mahalaga ang tubig. Madalas hindi natin nakokompleto ang paginom ng 8 baso ng tubig sa isang araw.
Ang Solusyon:
Panatilihing may malapit na tubigan o di kaya ay pinagkukunan ng tubig sa paligid, ito ay isang paalala na ating nakikita na tayo’y uminom ng tubig. Pwede ring bumili ng isang malaking water bottle at punuin ito. Palagian itong dalhin at hamunin ang sarili na ubusin ito sa loob ng isang araw. Maaari ring dagdagan ang fluid intake sa pamamagitan ng pagkain, kumain ng mga prutas katulad ng ubas, orange, mansanas, peras, pipino, talong at iba pa.
PAGKAGAT NG DALIRI
Ang Problema:
Ang pagkagat ng daliri ay isang bagay na maaaring nadevelop noong kabataan. Maaari nitong masira ang ngipin at magdulot ng germs sa katawan. Ito rin ay senyales ng stress.
Ang Solusyon:
Alamin kung ano ang nagtutulak sa iyo na gawin ito. Katulad na lamang ng pagnanail bite tuwing may kausap sa telepono o di kaya’y habang nagmamaneho. Tuwing nararamdaman ang pangangailanag sa pag nail bite, maaaring subukan na kumuha ng bubblegum at ngumuya na lamang, o di naman kaya ay upuan ang kamay. Pwede ka ring kumuha ng stress ball.
PAGKAIN NG MARAMI
Ang Problema:
Minsan hindi natin napapansin na sobra-sobra na pala an gating nakakain kahit hindi tayo gutom, lalo na kapag masarap ang pagkain. Ngunit kailangan maghinay-hinay dahil mas tataas ang posibiledad na magkaroon ng iba’t-inang uri ng sakit.
Ang Solusyon:
Alamin kung ano ang naguudyok sa pagkain ng marami, ito marahil ay dala ng kalungkutan, boredom, stress, pag-iisa, pagkabalisa at kung ano man. Kung nararamdaman moa ng pangangailangang kumain, alamin muna kung ano ang nagdulot nito at resolbahin muna iyon. Kung kinakailangan maglabas ng stress, maaaring magjogging na lamang kesa kumain.
KULANG SA TULOG:
Ang Problema:
Ang pagtulag ay importante sa ating katawan at sa ating utak, ngunit maraming Pilipino ang hindi nakakatulog ng 8 oras sa isang araw.
Ang Solusyon:
Iwasan ang pagkakape, kahit ang kape na ininom mo kaninang umaga ay maaaring nasa iyong katawan pa hanggang gabi. Baguhin ang mga nakagawian, huwag ilagay ang cellphone malapit sa kama.
Ang pagpapaantok gamit ang panunuod ng TV o di kaya’y pagiinternet ay di rin nakakatulong. Huwag uminom bago matulog. Oo nga at nakakaantok ang alcohol sa katawan ngunit ang kalidad ng tulog ay hindi maganda.
0 komentar:
Posting Komentar