Isa ka ba sa klase ng indibidwal na ganito? Ang isa sa pinaka-naaakit lalo na sa mga kababaihan ngayon ay ang may kaugnayan sa pampapapayat at pampaganda. Napakahalaga sa ating mga kababaihan na mapanatili ang kinis at ganda ng ating kutis dahil ito ay isa sa pinakanakamamanghang bigay ng Diyos sa atin.
Para sa ilang mga kababaihan lalo na ang mga bago-bagong sumisibol sa pagdadalaga ay labis na nabibihag sa pagbili ng kung anu-anong klase ng pagpapaganda lalo na yaong mga natatagpuan sa telebisyon, patalastas at mga paskil. Ang lahat ay hahamakin kahit ito ay may presyong kamahalan. Sa kabila nito, narito ang isang pinakamagandang paraan na maaari nating subukan.
Isa sa marami naming suhestiyon upang makamit ang kagandahan ay ang paggamit ng "Baking Soda". Ito ay madaling matagpuan at mabili sa mga pamilihan. Isang mahalagang sangkap upang mabawasan ang problema sa taghiyawat at may malaking epekto sa pagpapakinis ng kutis.
Narito ang mga magandang benepisyo sa atin ng paggamit ng baking soda:
1. Pag-alis ng Kulugo.
Ang baking soda ay isa sa inirerekomenda ng mga eksperto na mabisa dahil sa panahon ngayon napakarami na ang mga produktong lumalabas sa merkado na pampatanggal ng kulugo na lingid sa ating kaalaman ang mga sangkap na nilalaman nito. Ihalo ang katas ng lemon sa sapat na dami ng baking soda at ipahid ang timpla sa apektadong lugar sa loob ng limang minuto at saka hugasan ng malamig na tubig.
2. Nakababawas ng di-kaaya ayang itsura ng ating buhok.
Upang masimulan, maghalo ng baking soda sa ginagamit na "shampoo" at ang timplang ito ay makatutulong sa pagbabawas ng pagbabalat ng anit at isang dahilan din ng pagkintab ng iyong mga buhok.
3. Nakatutulong sa pagbabalat ng kutis sa mukha.
Ang paghahalo ng baking soda sa tubig at pagpahid nito sa parte ng mukha ay isang paraan upang "ma-exfoliate" o maialis ang mga "dead skin". Gumawa ng malagkit na timpla gamit ang tatlong kutsarang baking soda sa isang kutsaritang tubig at ang patuloy na paghalo upang makamit ang nais na timpla.
Isa ang baking soda sa pinakamainam na sangkap sa pag-eexfoliate na may kaakibat na pampalinis, antiseptiko at "antifungal" na siyang napapababa ang iyong posibilidad sa pagkakaroon ng taghiyawat, "blackheads", at mga butlig sa mukha. Magpahid ng nais na dami sa iyong mukha at simulang masahiin sa loob ng isang minuto at hugasan at mapapansin mo na ang paglambot ng iyong balat.
Ang mga pamamaraang ito ay labis na inirerekomenda at napatunayan na upang bumalik ang murang kutis at pagkinis ng iyong mukha at iba pang parte ng katawan.
MGA KARAGDAGANG BENEPISYO SA PAGPAPAGANDA GAMIT ANG BAKING SODA
1. Nakakapagpaputi ng ngipin.
Ang baking soda ay may natural na sangkap upang makapagpaputi ng mga naninilaw na ngipin. Maaari rin itong alternatibo sa "toothpaste" ngunit iwasan ang labis na paggamit nito na nagdudulot ng pagkasira sa mismong ngipin. Ang pag-apply nito isang beses sa isang linggo ay sapat na at para na rin sa kaligtasan ng iyong mga ngipin.
2. Mabisang pantagal ng taghiyawat.
Ang paggawa ng malagkit na timpla o "paste" ay lunas sa pagdami ng iyong mga taghiyawat. Ihalo ang baking soda sa tubig at kamtin ang malapot na itsura ng timpla. Ilagay sa mga apektasong lugar sa iyong mukha ng ilang minuto at hugasan.
3. Napapawi ang masamang amoy.
Ang pagtimpla ng apat na bahagi ng baking soda at paghalo ng nais mong klase ng langis sa isang lalagyan ay isang natural na alternatibo sa ginagamit mong "deodorant" araw-araw. I-apply ito sa kili-kili pagkatapos maligo at mababawasan na ang labis na pagpapawis ng parteng ito. Naiiwasan na rin ang paglago ng mga bakterya na siyang nakapagpapabaho ng iyong kili-kili.
4. Para sa kalusugan ng iyong anit at buhok.
Isa rin pang-alternatibong paraan sa ating "shampoo" at maaaring ilagay sa ating anit ay ang baking soda. Imasahe ito ng marahan. Maiiwasan nito ang pagkasira ng buhok at maiaalis ang mga balakubak. Gawin ang lunas na ito minsan sa isang buwan.
5. Pampabango ng hininga.
Ang baking soda ay maaaring gamitin bilang alternatibo sa iyong "mouthwash". Maglagay ng sapat na dami nito sa isang basong tubig at ipangmumog.
0 komentar:
Posting Komentar