Ikaw ba'y mahilig sa mga halaman? Sa karamihan ay lingid sa ating kaalaman na napakalaki ng nagagawa ng pagkakaroon ng halaman sa kapaligiran lalo na sa ating mga bahay. Ilan sa mga dahilan kung bakit tayo nagkakasakit ay dala ng polusyon sa hangin kaakibat ang pagkakaroon ng mahinang resistensya lalo na sa mga taong nakatira sa urban o siyudad.
Isang banta sa ating mga buhay para sa kaalaman ng lahat ay ang mga toksiko na nasa hangin na ating inihihinga sa lahat ng oras. Marapat natin simulan sa ating mga bahay ang pagkakaroon ng malinis na kapagligiran at may magagawa din tayong paraan upang makatulong sa paglanghap ng malinis na hangin kahit na tayo ay nasa bahay lamang.
Nakaaapekto sa ating kalusugan ang mga kemikal katulad ng mga barnis at pintura na inaapply sa ating mga kasangkapan, mga upuan, lamesa, at pader sa loob ng ating mga bahay. Dapat din nating malaman na isa sa pinakapanganib ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay ang mismong polusyon na mayroon sa ating mga bahay-bahay.
Bukod pa rito, tayo ay mas lubos na lantad sa mga ganitong polusyon sa hangin lalo na kung walang sapat na bentilasyon sa mga lugar na ating tinitirahan. Kaakibat din dito na walang kasiguraduhan na tayo ay ligtas kahit tayo ay nasa loob ng mahal nating tahanan.
Tayo ay huwag ng makaramdam ng takot, alam natin ang pagiging hantad sa panganib sapagkat may sa pagkakadiskubre ng ilan sa mga halaman na maaari nating ilagay sa loob ng bahay, ayon sa NASA. Ito ay tumutulong malinis at masala ang hangin na ating nalalanghap na siyang natural na gawain ng mga halaman. Ilan sa mga halamang ito ay aming ibabahagi sa inyo sa pagpapatuloy ng artikulong ito. Hindi lamang natin ito mailalagay sa loob ng bahay para pandekorasyon kundi mas malaki ang ganap nito bilang nakakapaglinis ng hangin at makadaragdag pa sa paghaba ng ating mga buhay.
Ang mga sumusunod ay mga uri ng halaman na maaari nating bilhin at ilagay sa loob ng ating bahay na malaki ang magagawa upang makabawas ng polusyon:
1. ENGLISH IVY.
Ang halamang ito ay katutubo sa Europa, kanlurang Asya at hilagang Africa. Ito ay uri ng halaman na gumagapang at ating matatagpuan sa mga pader. Pinupuksa ng "english ivy" ang mga "formal dehyde" sa ating kapaligiran na maaaring makasama sa ating paghinga pati na rin sa ating baga.
Ang halamang ito ay may makakapal at malalapad na dahon at karaniwang makikintab ang mga ito. Hindi rin ito kadalasang dinidiligan o direktang nangangailangan ng araw kaya't isa ito sa maaari nating bilhin para magsilbi na ring dekorasyon sa ating mga tahanan. Isa ang halaman na ito sa kadalasang binibili sapagkat malaki ang naitutulong nito sa pag-alis o pagbawas ng mga toksiko sa hangin at polusyon na nakasasama.
2. PEACE LILY.
Ang halamang ito ay matatawag na may "double purpose", sapagkat hindi lamang ito nakakapagpalinis ng hangin sa kapaligiran kundi ito rin ay maaaring magsilbing magandang dekorasyon sa loob ng bahay. Ito ay namumulaklak ng puti na may hugis kabibe o "shell".
Ang uri ng halaman na ito ay maaaring ilagay sa loob ng bahay na may direktang araw o maaaring ding hindi. Napakahalaga na tayo ay makapaglagay ng ganitong uri ng halaman sapagkat nababawasan nito ang "formal dehyde" sa ating nalalanghap na hangin na isang uri ng polusyon.
Nagagawa din nitong puksain ang "benzene" isang uri ng sangkap na matatagpuan sa mga gamit pang-"spray" sa ating mga bahay na siya nating binibili sa merkado. Ang uri na ito ng halaman ay hindi kailangan ng kaukulang atensyon ngunit kailangan nating maging maingat sapagkat ang mga dahon nito ay maaaring makalason sa ating mga alagang hayop kapag nakain pati na rin sa ating mga anak.
Ang uri ng halaman na ito ay maaaring ilagay sa loob ng bahay na may direktang araw o maaaring ding hindi. Napakahalaga na tayo ay makapaglagay ng ganitong uri ng halaman sapagkat nababawasan nito ang "formal dehyde" sa ating nalalanghap na hangin na isang uri ng polusyon.
Nagagawa din nitong puksain ang "benzene" isang uri ng sangkap na matatagpuan sa mga gamit pang-"spray" sa ating mga bahay na siya nating binibili sa merkado. Ang uri na ito ng halaman ay hindi kailangan ng kaukulang atensyon ngunit kailangan nating maging maingat sapagkat ang mga dahon nito ay maaaring makalason sa ating mga alagang hayop kapag nakain pati na rin sa ating mga anak.
3. BOSTON FERN.
Ang halamang ito ay isa sa mga halaman na inilalagay sa loob ng bahay, ito ay nangangailangan ng higit na atensyon o mas madalas na pagdidilig sa karaniwan. Napakabuti nito sapagkat iniaalis nito ng natural ang mga polusyon sa hangin tulad ng "formal dehyde", "benzene" at "xylene". Ang ilan sa mga polusyong ito ay maaaring manggaling sa buga ng ating mga sasakyan sa loob ng ating garahe na makakapapasok sa ating tahanan. Ang halamang ito ay mas madalang ang pagmementina lalo na kung ang klima ay taglamig.
4. WEEPING FIG.
Ang weeping fig ay mas kilala sa siyentipikong tawag na "ficus benjamina" na katutubo ng Timog-Silangang Asya at karaniwang bonsay na puno ito na lumalaki ng hanggang tatlong talampakan lamang. Kung ikaw ay uri ng indibidwal na maraming ginagawa o "busy" ngunit may pagmamahal sa halaman, isa itong ideyal na halaman para sa iyo na maaari mong alagaan. Isa rin ito na mababa ang kailangan na pagmementina ngunit malaki ang nagagawa sa pagpapalamig ng kapaligiran sa loob ng ating tahanan.
5. SPIDER PLANT.
Ang halamang ito ay karaniwan ding tinatawag na "airplane plant" sapagkat mailalarawan dito ang itsura ng paliparan ng eroplano gawa ng mahahabang dahon nito. Isa ito sa pinakamadaling alagaan na uri ng halaman at mabilis ring mapalaki.
Ito ay ideyal na itanim sapagkat isa rin ito sa hindi nangangailangan ng atensyon, pag-aalaga at pagdidilig lalo na kung ikaw ay isang makakalimuting tao. Ang "spider plant" ay isa sa mabisang halaman na maaari nating bilhin at ilagay sa bahay na malaki ang nagagawa sa paglilinis ng maruruming hangin.
6. SABILA.
Para sa impormasyon ng karamihan ang sabila ay mas kilala sa tawag na "Aloe Vera". Ang halamang ito ay tanyag gawa ng napakarami nitong benepisyo lalo na sa ating kalusugan. Ang klarong likido na ating makikita sa dahon nito ay magaling sa pagpapatubo ng buhok, mayroon din itong bitamina at mga "enzymes" na malaki ang nagagawa sa iba't ibang aspeto. Ito ay karaniwang inaalagaan sa mga tahanan, isa sa dahilan ang kakayahan nitong makapagpalinis ng hangin sa kapaligiran.
0 komentar:
Posting Komentar