Ang pagkabulok ng ngipin at cavities ay ilan sa mga pangkaraniwang oral health problem sa daigdig. Ang mga problemang ito ay madalas nakikita sa mga bata, teenagers, at mga senior citizen; ngunit lahat naman ay maaaring magkaroon ng cavities.

Ang dental cavities na kilala rin bilang caries o sira sa ngipin, ay mga butas sa ngipin bunsod ng pagkabulok. Ang pagkabulok ng ngipin ay madalas nangyayari dahil sa bacterial infection na syang dahilan ng demineralization at pagkasira ng matigas na tissue ng ngipin.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga natural na pamamaraan upang mapanatili ang malusog na ngipin. Dapat ring kumonsulta sa iyong dentista upang malaman ang tamang diagnosis at treatment para sa iyong ngipin.
1. Clove
Paghaluin ang 2 hanggang 3 patak ng clove oil at ¼ kutsaritang sesame seed oil. Maglagay ng ilang patak nito sa bulak saka ilagay sa apektadong ngipin. Ulitin ito gabi-gabi bago matulog. Pwede rin naming ngumuya ng isang buong clove hanggang lumabas ang natural oil nito. Panatilihin ang clove sa ilalim ng iyong dila sa loob ng ilang minuto.
2. Asin
Magtunaw ng 1 kutsaritang asin sa isang basong maligamgam na tubig. Gamitin itong pangmumog sa bunganga sa loob ng 1 minuto, Gawin ito 3 beses sa isang araw hanggang mawala ang sintomas na iniinda. Pwede rin naming maghalo ng ½ kutsaritang asin at kaunting mustard oil o di kaya’y lemon juice. Gamitin ito pang masahe sa gilagid sa loob ng ilang minuto bago magmumog. Gawin ito dalawang beses sa isang araw upang mamatay ang bacteria.
3. Oil Pulling
Maglagay ng 1 kutsarang sesame oil sa iyong bibig. Panatilihin ito sa bibig sa loob ng 20 minuto. Idura ito. Iwasang imumog o di kaya’y lununin ang oil. Banlawan ang iyong bibig gamit ang maligamgam na tubig Gumamit ng tubi na may asin na kilalang mayroon antimicrobial benefits. Pagkatapos, magsipliyo na ng ngipin. Gawin ito tuwing umaga bago kumain. Maaari ring gumamit ng sunflower o di kaya’y coconut oil.
4. Bawang
Paghaluin ang 3 hanggang apat na piraso ng bawang at ¼ kutsaritang asin. Dikdikin ito ng pinong pino. Ilagay ito sa ngipin na apektado, hayaang nakababad sa loob ng 10 minuto bago banlawan gamit ang mouthwash. Ulitin ito dalawang beses sa isang araw linggo-linggo upang mabawasan ang cavities. Pwede mo ring subukang ikuskos ang garlic oil sa apektadong ngipin.
5. Licorice
Gumamit ng tuyong ugat ng licorice na pinulbos upang pangsipilyo sa pang araw-araw. Pwede rin naming gumamit ng isang malambot na stick ng licorice na parang sipilyo, at syang ikuskos sa ngipin.
6. Turmeric
Maglagay ng turmeric powder sa apektadong ngipin. Hayaang ito sa loob ng ilang minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Maari ring subukan na paghaluin ang ½ kutsaritang turmeric powder at kaunting mustard oil at gamitin itong pangmasahe ng ngipin at gilagid. Panatilihin ito sa bibig sa loob ng 10 minuto bago idura.
7. Indian Lilac
Ikuskos ang juice ng dahon ng Indian lilac sa ngipin at sa gilagid. Hayaang itong nakababad sa loob ng 10 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito isa hanggang dalawang beses sa isang araw. Pwede ring gamitin ang malambot na stick ng Indian lilac upang pangsipilyo ng ngipin. Sa katunayan, pwede ka ring bumili ng toothpaste na nagtataglay ng Indian lilac oil.
8. Indian Gooseberry
Kumain lamang ng isang Indian gooseberry araw-araw. Pwede ring ihalo ang ½ kutsarita ng pinulbos na tuyong Indian gooseberry at ½ baso ng tubig araw-araw.
9. Nutmeg
Maggadgad lamang ng nutmeg at ihalo ito sa kaunting clove oil o di kaya’y oregano oil. Ilagay ito sa apektadong ngipin, hayaang nakababad sa loob ng 10 minuto at banlawan ang bibig gamit ang maligamgam na tubig. Ulitin ito 3 hanggang 4 na beses sa isang araw. Gamit ang cotton buds, pwede rin diretsong ilagay ang nutmeg oil sa ngipin.
10. Wheatgrass
Uminom ng ½ baso ng wheatgrass juice araw-araw, siguraduhing wala pang laman ang tyan; ito ay para labanan ang cavities bago pa magkaroon. Pwede ring ipaghalo ang wheatgrass sa tubig at gamiting pangmumog. Idura ito pagkatapos ng isang minuto at ulitin 2 hanggang 3 beses sa isang araw.
0 komentar:
Posting Komentar