Home » » Narito ang 5 Magandang Benepisyo ng Okra sa Ating Kalusugan. Tumutulong ito Magpalinaw ng mata, Pampababa ng Blod Pressure at Marami pang iba. Alamin Dito.

Narito ang 5 Magandang Benepisyo ng Okra sa Ating Kalusugan. Tumutulong ito Magpalinaw ng mata, Pampababa ng Blod Pressure at Marami pang iba. Alamin Dito.

Posted by CB Blogger

Ang Okra “Abelmoschus Esculentus” ay isang gulay na may katamtamang taas, may malalapad na dahon at bulaklak kulay dilaw ay karaniwan itong itinatanim sa lugar na may katamtamang lamig. Ito ay karaniwang tinatawag na Bhindi o Ladies’ Fingers.



Ang okra ay madalas kinakain ng mga pinoy maaari itong kainin ng hindi hinahalo sa ibang gulay pwede din ihalo sa iba pang gulay depende sa gusto nyong luto nito. Meron din itong taglay na langis na pwedeng gamitin pangluto.

Ang okra ay nagtataglay ng mga bitamina at mineral tulad ng bitamina A, B, C, E at K, mayroon din itong calcium, iron, zinc, fiber, magnesium at potassium. Ang mga benepisyo nito ay nakukuha dahil sa mga bitamina at mineral na taglya nito.

Narito ang Limang benepisyo ng okra sa ating kalusugan:

1. Nakakatulong magpalinaw ng ating mga mata.

Ang okra ay nagtataglay ng bitamina A at antioxidants tulad ng xanthein, lutein at beta carotenes na lumalaban sa mga free radicals na syang sumisira sa ating metabolismo at sa ating paningin. Ang pagkain ng okra ay nakakatulong maiwasan at malabanan ang sakit na macular degeneration at katarata sa ating mga mata.

2. Nakakatulong mapababa ng presyon ng ating dugo.

Ang okra ay nagtataglay ng potassium o potasa na may malaking naitutulong sa ating kalusugan. Ang potasa ay nagbabalanse o nagkokontrol sa sodium para mapanatili nya ang kaayusan sa kalusugan ng ating katawan.


Nakakatulong din itong mapanatili ang maayos na pagdaloy ng ating mga dugo sa mga ugat lalo na sa ugat papunta sa puso. Tinutulungan nya ang ating mga dugo na dumaloy ng maayos at hindi bumara sa mga ugat na pwedeng magdulot ng sakit.

3. Nakakatulong sa pagtunaw ngpagkain.

Ang okra ay may Mucilaginous fiber na syang tumutulong sa mabilis na pagtunaw ng mga kinakain natin. Nakakatulong din ito sa regularidad na pagdudumi natin para maiwasan ang ibat ibang uri ng sakit tulad ng hirap sa pagdumi o constipation at diarrhea o pagtatae.

4. Nagpapaganda ng kutis.

Ang bitamina A na taglay ng okra ang nagproprotekta sa kalusugan ng ating balat at ito rin ang nagdudulot ng mabilis na paggaling ng mga sugat, pagkawala ng mga marka at maiwasan ang pagkulubot ng balat.


5. Nakakapalakas ng ating Immune System.

Ang bitamina C na taglay ng okra ang nagpapatibay at nagpapalakas ng ating immune system o ang syang nagsisilbing tagapagtanggol at tagalaban sa anu mang sakit na pwede dumapo sa ating katawan.

 Ang bitamina C din ang nagpapadami ng mga blood cells na syang lumalaban sa mga pathogens na syang magpapahina sa ating immune system.

Narito ang iba pang benepisyo ng okra sa ating katawan.

1. Nakakatulong maiwasan ang sakit na kanser.

2. Nakakatulong sa kalusugan ng mga sangol.

3. Nakakapatibay ng buto.

4. Nakakatulong mapanatili at protektahan ang kalusugan ng ating puso.

5. Nakakatulong ibalanse ang cholesterol sa ating katawan.



0 komentar:

Posting Komentar